04 1 / 2011
Top 10 Reasons why our schedule (4th year Management Accounting) is the best sched
- Tipid sa baon.Gumising ka nalang ng 4pm at nakatipid ka na ng breakfast and lunch. Mag-early dinner ka na kung gusto mo.
- Tayo ang beneficiary pag nag-announce na walang pasok. Pwedeng sabihin mo sa ka-dorm mo na pang-umaga na:”Gisingin mo na lang ako pag uuwi ka na tas nag-announce na walang pasok, ok?”
- The radiance of the sun won’t hurt my sensitive skin dahil malilim na pag papasok ka ng school.Eskimo???
- Nakakatamad sched natin. Tatamarin at tatamarain din ang mga prof for sure. Pwedeng di sila pumasok or may chance na di sila pumasok.
- Si Sir German prof namin sa AdvAc 2 (Sir, plus points, minention kita.haha)
- Di mo kailangang gumising ng maaga. Wala nang:”Oh shit, bat di mo ako ginising? May test pa ako sa <insert subject here>, di pa ako nagrreview ni isa” moments. Baka nga magising ka tapos makita mo ang oras 12pm, sabihin mo pa: “SH*T, 12PM PA LANG???”
- Sa haba ng time bago pumasok, makakapag-Rockband ka pa. Siguro mauubos niyo nang magbabarkada lahat ng pwedeng kantahin tas hindi pa 5pm.
- Tipid sa book. Kunchabahin mo yung kakilala mong morning sched sa BSA, tas pasahan na lang kayo ng book.
- Mataas ang chance na magpa-early dismissal ang prof dahil sinusubaybayan niya ang Mara Clara.
- Uuwi ka at pproblemahin kung ano ang pwedeng gawin sa buong gabi hanggang mag5pm bukas.
Permalink 2 notes